My he♥rt is yours,
To fill or burst,
To break or bury,
Or wear as jewelry;
Whichever you prefer..

ASK ANYTHING!
Incredible answers to incredible questions!
Q:
l♥ve }

love♥}
abi}
ahjh}
april}
arjane}
austine}
coy}
crissandra}
debi}
denise}
eli-anne}
ellaine}
fats}
gabo}
gaile(&sent)}
gee}
gerson}
james espinoza}
james flores}
jillian rachid}
jillian torres}
jm dela paz}
jm tuazon}
jo-ann ocampo}
jodi}
jomar}
kathereen}
katherine}
lara}
lenlen}
marbin}
mica}
mimah}
pouch}
rachelle}
rhea}
rina}
samantha}
stevie}
as walk}
encyclopedia dramatica}
FYU}
UP Pahinungod}



every. NEW. beginnING. coMes. fRom. SOME. other. beginNING'S. END.

05.07 06.07 07.07 08.07 09.07 10.07 11.07 01.08 02.08 03.08 04.08 05.08

Tuesday, January 29, 2008

sheen,




siguro para ito sa lahat ng bagay na hindi ko nasabi at hanggang ngayon ay hindi kayang sabihin. ginusto ko sana na makausap ka para sa mga bagay na ito pero siguro ako na lang yung namimilit pa para doon. hindi ko alam kung kelan mo to mababasa..tayo pa kaya nun? okay na kaya tayo o ganito pa rin na maraming problema? o may kasama na ba tayong iba?



hindi ko naisip dati na matatapos yung masasayang panahon na yun. kung alam ko lang sana mas pinahalagahan ko pa bawat oras na yun na naramdaman kong mahal mo ako. sana tinandaan ko lahat ng mga nangyari na yun para mas marami akong inaalala ngayon na masasayang bagay na pinagsamahan natin. kung ganon siguro mas madali ba sa akin na sundin ang gusto mo at maghiwalay na tayo? ngayon hindi kita kayang pakawalan at iniisip ko kung dahil ba bumabalik sakin parati kung pano tayo nagkakilala at yung masasaya nating pinagsamahan, o kung dahil sa dami ng nangyaring malungkot satin ayokong iwanan kung kelan naging ganito.



kanina nag-away na naman tayo. hindi kita maintindihan. sa totoo lang hindi ko naman talaga gusto masaktan. sino ba ang ganun? hindi ko gustong maramdaman ang mga nararamdaman ko ngayon. tulad ng piliin mo pang humingi ng tulong at magsabi sa iba bago sakin. katulad ng hindi hintayin kung ano ang sasabihin ko. ang tanga ko. tungkol ba saan yun? iniisip ng mga kaibigan mo kailangan mo pang pumunta sa kanila para humingi ng tulong. para saan pa ako? kung yung sa socsci yun..yun lang ang naiisip ko sa ngayon..hindi mo ba alam na bukas tayo manonood pagkatapos ng klase? nasasaktan ako na kung may pagkukulang ako madali mo hinahanap sa iba..handa naman akong ibigay sayo yun kung hihingin mo lang. ni minsan kahit pa iniwan mo ako, hindi ako tumingin sa iba para humingi ng mga bagay na hindi mo ibinigay sakin. masakit yun maramdaman na kulang pa ako para sayo. para sakin ikaw lang, kahit walang magarbong regalo, walang date linggo linggo, malaking pasasalamat ko na na andito ka sa buhay ko.


naitanong ko sa isa kong naisulat dito na gusto kong malaman kung mahal mo pa ako. siguro, sheen, hindi na mahalaga yun ngayon. unti unti lumilinaw na sakin lahat. ang mga bagay na nagbago. kanina nung iniwan mo ako kahit pa alam mong may problema, at yung mga sinabi mo sakin nung magkausap tayo kanina sa ym, para akong sinampal na gumising na sa katotohanan. matagal na nga akong natutulog. at sa panaginip ko, ayoko pang gumising dahil pinipilit ko pang bigyan ng magandang ending ang storya natin. sa isip ko alam ko na kung maghihintay lang ako, magiging maayos din sa huli. pero sobrang tagal na ng pagtulog ko at siguro gusto mo ng umalis sa panaginip ko.



kahit wala akong religion, madalas ko ngayong naitatanong, god bakit po hinayaan nyo na magkakilala kami kung alam naman po ninyo na masasaktan lang kami ng ganito? at kahit walang sumasagot, sinasagot ko ang sarili ko dahil yun ang gusto kong marinig. na kaya tayo nagkakilala ng araw na yun dahil kailangan natin ang isa't isa. dahil kahit nagkakaproblema tayo sa kanya kanyang buhay at sating dalawa, sa huli makakaya natin at magiging masaya din tayo ulit. pero sa ngayon, ako na lang ba ang nagiisip pa noon? siguro nga kaya ganito ako sayo ay dahil ganito ko din gusto na itrato ako. ang mga bagay na binibigay ko para sayo at iniwan para sayo, yun din siguro ang mga bagay na gusto kong makuha at ipagpalit para sakin. siguro nga naging unfair ako sayo dahil akala ko na pareho tayong handang magbigay ng ganito kalaki para sa isa't isa. ngayon, naiintindihan ko na magkaiba tayo ng halaga ng pagmamahal para sa isa't isa.



ayokong pakawalan ka dahil gusto kong ako ang taong magpapasaya sayo at makakasama mo hanggang sa huli. ayokong pakawalan ka dahil para sakin may rason kung bakit tayo pinagkilala na ppwede naman sanang dinaanan lang natin ang isa't isa na hindi nagpansinan. ayokong pakawalan ka dahil hindi pa rin nabubura sakin lahat ng masasaya at hirap na nalampasan nating dalawa na magkasama. pero kung kailangan na kitang hayaan sa kung saan mo pinili, sana kung mababasa mo ito pagkatapos ng lahat, malaman mong hindi ko ginusto na pakawalan ka. hindi ko yun desisyon kahit kailan. pero kung darating ang araw na magiging malinaw na talaga at sasabihin mo saking hindi na ako ang para sayo, hahayaan na kita. at magpapaalam na ako sayo kung kelan ang maaalala ko pa ay ang magaganda nating pinagsamahan at hindi ang malulungkot na araw natin.



ganito ka kahalaga sa akin na nakalimutan ko kung sino ako bago kita makilala. lahat ng lungkot at saya na naranasan ko noon ay walang wala pala sa mga naranasan ko ng makilala kita. ang pinagsisisihan ko lang ay kung bakit sinabi ko noon na nagsisisi akong nakilala kita. dahil hindi yun totoo. ikaw pa rin hanggang ngayon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. kaya simula ng nakilala kita, binuo ko ang araw araw ko sayo. araw araw tuwing magigising ako, ang lagi kong naiiisip, isa na namang araw na kasama kita, ano kayang mga gagawin natin? at alam kong kahit ano pa yun, basta kasama kita ay magiging maayos lang lahat.



kung maghihiwalay na tayo alam kong magiging napakahirap o imposible nga siguro na pulutin ko ulit ang buhay ko. marami na akong mga bagay na iniwan para sayo. ang marami sa kanila, hindi mo na nga nalaman. pero sa lahat ng iyon kung uulit ulitin ay iiwan ko ulit sila para sayo. kahit pa sabihing magtatapos din na hindi tayo magkasama, wala akong pagsisisi na pinili kita para sa mga bagay na yun. minahal kita at hindi ako nagsisising nagmahal ako ng sobra.



sabi nila kung gano kasakit, ganun din daw kalaki ang pagmamahal mo para dun sa tao. alam mo ba ang laki laki siguro ng pagmamahal na yun. dahil itong nararamdaman kong sakit, parang walang katapusan. parati ko nga tinatanong sa sarili ko, sino ba sya para mahalin ko ng sobra? tuwing maitatanong ko yan, mabilis lang naman at alam ko na ang mga sagot. marami kang itinuro sa aking magagandang bagay, hindi mo nga lang alam.



marami pa sana akong gustong sabihin pero kagaya ng tanong kung mahal mo pa ba ako, hindi na rin siguro mahalagang masabi ko pa ang mga iyon. ang mahalaga, kung mababasa mo man ito, malaman mong mahal pa rin kita, mas lalo pa kaysa dati, at alam kong mamahalin pa rin kita sa mahaba pang panahon. tuwing magsisimula ang bagong buwan, lalo kitang maaalala. maaalala ko din kung pano tayo unang nagkita. hindi ko alam kung kailan ang araw na yun, pero siguro maaalala ko din kung pano tayo naghiwalay.



mahal na mahal na mahal kita.






12:03 AM
`one