kapag ganito, tinatawanan ko na lang ang sarili ko. kung may nakakakita sakin ngayon, para akong baliw. umiiyak at tumatawa. siguro nga mababaliw nako. kahit ilang beses ko tawagin ang pangalan nya gabi gabi, hindi naman siya babalik. kanina yung pinakamasakit. ilang minuto pa lang simula nung umalis sya. alam ko nakita niyang umiiyak ako. kung dati, hihinto siya at di muna aalis, hindi na ngayon. yun para na akong sinampal para magising. hindi ka na niya mahal.
wala nakong naranasan na mas masakit pa sa buong buhay ko. naranasan ko ng hindi makipagusap sa papa ko ng buong taon, at masakit yun. naranasan ko ng traydorin ng ate ko, mas masakit yun. naranasan ko ng mabuhay ng walang kausap sa matagal na panahon, na pinipilit ang sarili na gumawa ng maraming bagay para makalimutan ang mga problema ko.. pero walang katulad nito na sa matagal na panahon paulit ulit akong sinasaktan. at parang ganun lang kadali sa kanya na makasakit ng isang tao. lalo na yung tao na mahal na mahal sya.
sabi sakin ni harry noon, kailangan kong manalo sa laban ko. at ang kalaban ko ay sarili ko. dahil hindi napatunayan sakin kahit kailan na mahal nya ako. ako lang ang pumipilit na mahal nya ako dahil yun ang gusto kong makita. pero kaya nakakaramdam pa rin ako ng sakit dahil hindi yun ang totoo. pwede kong lokohin ang sarili ko at isipin na mahal nya ako, pero hindi ko kayang iwasan lahat ng katotohanan na magpapakita sakin na hindi yun totoo.
hindi ko maisip kung ano pa ba ang kulang sa akin at sa mga ibinigay ko sa kanya. kung mayron pa sana sinabi na lang niya dahil kaya ko namang ibigay kahit pa yung mga bagay na wala ako. pagttrabahuhan ko na magkaroon ng mga bagay na yun at saka ko ibibigay sa kanya.
madalas naiisip ko, swerte sya, kahit siguro ang yabang kung sasabihin ko pero hindi nya siguro alam na ang swerte swerte nya. alam ko maraming nagsasabi nun. lahat nga ng nakakausap ko sinasabi sakin bakit daw yun ang boyfriend ko eh marami naman nanligaw sakin na mas gwapo, mas matalino, etc. sabi nila swerte daw sya at malas ako. pero hindi yun ang nakikita kong dahilan. sa totoo lang naiinggit ako sa kanya dahil may nagmamahal sa kanya ng ganito. alam ko karamihan, kung may ibang nanliligaw sa kanila, kahit papano pinapansin nila, lalo pa kung hindi maayos ang relasyon nila ng boyfriend nya. pero ako kahit pa na iwanan nya ko ang parati kong iniisip kung ano ang dapat kong gawin para bumalik sya. kahit pa sya nalalaman ko na kapag iniiwan nya ko may mga pinupuntahan siyang iba.
kahit wala akong religion madalas ko natatanong ngayon god bakit po hinayaan nyo na sa kanya umikot mundo ko kung alam nyo na masasaktan ako ng ganito. hindi ba sya naawa sakin? o alam nya na magiging maayos din lahat at malalaman kong ayos lang na nasaktan ako sa umpisa dahil magiging masaya din kami. at kahit pa wala namang sumasagot, para sakin iyong huli yung tama. magigin okay din kami at alam kong ayos lang na masaktan.
madalas kong napapanaginipan si sheen na may kasamang ibang babae. at na umiiyak ako dahil nahanap na niya yung taong mamahalin nya talaga. hindi nya alam na madalas akong gumigising na umiiyak. sa bahay nung natulog si faye, dun ko nalaman na grabe pala at talagang bumabaha ng luha at umiiyak talaga ako dahil ginising nya ako akala nya binabangungot daw ako. tuwing magigising ako ng ganon, hindi ko napipigil na umiyak pa rin. tinatanong ko kung bakit hindi ako yun. ano ba ang mga hindi ko nagawa. anong wala sakin. nakakatawa minsan na nakakaawa naiisip ko, dahil hindi ako maganda, matalino,..ano..
ngayong araw hirap na hirap akong pigilin na huwag syang itext. natawagan ko pa nga sya at nung sinagot nya binaba ko na. kailangan kong pigilan ang sarili ko. gusto kong malaman kahit alam kong masasaktan ako sa pwedeng maging sagot, pero kailangan ko ng malaman kung mahal nya ako. baka kasi naaawa na lang sya sakin. kailangan kong malaman ang sagot hindi na siguro para sa akin pero para sa kanya. gusto ko pa rin syang maging masaya sa huli. at kung kahit anong gawin ko para sa kanya ay hindi ako yung taong mamahalin nya at magiging masaya sya, dun handa nakong pakawalan sya. pero kagaya ng sinulat ko sa kanya, sana kung mahal nya ako ay hayaan nya akong pasayahin sya sa lahat ng makakaya ko.
7:14 PM
`one