My he♥rt is yours,
To fill or burst,
To break or bury,
Or wear as jewelry;
Whichever you prefer..

ASK ANYTHING!
Incredible answers to incredible questions!
Q:
l♥ve }

love♥}
abi}
ahjh}
april}
arjane}
austine}
coy}
crissandra}
debi}
denise}
eli-anne}
ellaine}
fats}
gabo}
gaile(&sent)}
gee}
gerson}
james espinoza}
james flores}
jillian rachid}
jillian torres}
jm dela paz}
jm tuazon}
jo-ann ocampo}
jodi}
jomar}
kathereen}
katherine}
lara}
lenlen}
marbin}
mica}
mimah}
pouch}
rachelle}
rhea}
rina}
samantha}
stevie}
as walk}
encyclopedia dramatica}
FYU}
UP Pahinungod}



every. NEW. beginnING. coMes. fRom. SOME. other. beginNING'S. END.

05.07 06.07 07.07 08.07 09.07 10.07 11.07 01.08 02.08 03.08 04.08 05.08

Saturday, January 26, 2008

kanina ko pa binubura at inuulit yung mga sinusulat ko dito. hindi ko kasi alam kung dapat ko bang isulat yung mga yun. kahit alam kong hindi na naman nya to binabasa o tinitignan, natatakot pa rin ako na mabasa nya at sabihin na maghiwalay na lang kami.
malapit na kami magnine months, masaya ako kapag naiisip ko yun dahil kahit sa mga nangyari at nangyayari ngayon, wala pa rin ako pinagsisisihan na siya pinili ko. hindi nya nga siguro naiintindihan kung bakit sobra sobra yung nararamdaman ko. siguro kung alam nya talaga kung ano ako bago nya ko nakilala, kung ano ang mga bagay na iniwan ko para sa kanya, kung paano ako nagbago.. siguro malalaman nya kung gano kalaki talaga ang halaga nya para sakin. minsan sinasabi nya na hindi sya yung taong dapat kong gawan ng mga ganitong bagay, dati sumasagot pa ako sa kanya pero ngayon..tumatahimik na lang ako at iniisip ko na kung alam lang nya. hindi nya nakikita kung gano sya kahalaga para sakin. alam ko yung ibang tao hindi siya tinitignan ng ganoon kataas, at hindi ko talaga sla maintindihan. hindi nila alam na sya yung tao na masaya kasama sa lahat ng gagawin mo araw araw kasi marami kang matututunan sa kanya. pinapatawa ka nya at makikinig din sya sa mga kwento mo. aalagaan ka nya kapag may sakit ka. kapag umiiyak ka at may mga problema kapag naghug ka nya parang alam mo na magiging okay lang lahat, matatapos din lahat ng mga problema. 
masaya ako na siya yung unang tao na nakikita ko kapag gumigising ako. totoo yung sinabi ko sa kanya maraming beses na noon, na wala na akong rason para pa manatili dito. hindi ko lang siguro nasabi sa kanya na bago ko sya makilala matagal ko nang tinanggap sa sarili ko na wala na kong lalake na bibigyan ulit ng chance dahil ilang beses ko na napatunayan na ganun lang din naman ang nangyayari paulit-ulit. pero nung nakilala ko sya, alam ko man na pdeng maulit lang ulit pero yung tao na naramdaman mong kahit ilang beses pa nya ulitin kakayanin mong tanggapin.
pero kahit pa naiisip kong pedeng masaktan lang ulit ako, kahit papano inisip ko pa rin nung nakilala ko sya na sana sya yung aalagaan ako at magiging masaya kami parati.
nahihiya talaga ako na naiinggit ako, at ngayon sa halos lahat ng babae naiinggit ako. kahit sa mga nililigawan o may boyfriend kahit ang mga nakakasalubong lang namin, ayoko silang makita pero kapag nadadaanan na namin hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila. naiisip ko sana kami yun, na masaya, sana sya yun na inaalagaan ako. mabait si sheen alam ko yun. yung mga tao na nagsasabi na masama sya hindi siguro nila nakita yung mga bagay na naranasan ko sa 8 months na nakasama ko sya. nalulungkot lang ako ngayon sa araw araw dahil nagbago na siya. yung magagandang bagay na nasa kanya sa simula na hindi ko ginustong magbago dahil siguro ilan yung sa dahilan kung bakit ko naisip na sya na yung tao na gusto kong makasama, ngayon nawala na. 
ngayon, sa totoo lang kahit na sobrang nalulungkot ako, okay na sa akin na umuwi sya ng maaga. alam ko na masaya sya kapag uuwi sya agad at dahil na din ayoko makita nya na umiiyak ako. ayoko din na malaman nya na may sakit talaga ako. nagagalit ako sa sarili ko na hindi ko napipigilan na umiyak kahit pa kasama ko sya. nangako na ako noon na hindi nako iiyak para mapakita ko sa kanya na masaya ako at nagpapasalamat na andito sya sa buhay ko. ayokong malaman nya na umiiyak ako ng sobra, na tuwing aalis sya pinipigilan ko talaga ang sarili ko na uminom para makalimutan lahat kahit sandaling sandali lang, na kung gabi si krystal lang ang nakakaalam na malala na talaga tong pakiramdam ko. kumakain ako ng mabuti at yun ang bagay na hindi nya alam, kaya kapag binibigyan nya ako ng pagkain pinipilit ko ang sarili ko na kumain dahil ang totoo busog na busog na talaga ako. gusto kong maging okay para hindi na sya magalala na may sakit ako. pero hindi ko maintindihan ngayon kung lumala ba sakit ko o bumabalik yung dati pero hindi na naman ako nagsisigarilyo. sana umayos na pakiramdam ko para mabawasan ang mga problema namin. alam ko na hindi na siguro nya makita ngayon yung mga dahilan kung bakit nya ko nagustuhan dati. kahit sa mababaw, sa ichura na lang alam ko namang nagbago na din dahil nararamdaman ko naman sa sarili ko na sobrang pagod na pagod ako araw araw sa mga nasa isip ko at nararamdaman. ang iniisip ko parati, sigurado ako na darating yung araw na magiging maayos din kami. ang mahalaga gawin ko lahat para umabot sa araw na yun na kasama ko pa rin sya.
naiiyak ako ngayon sa totoo lang dahil miss na miss ko na sya. nakakatawa nga dahil kasama mo naman sya halos araw araw pero kapag naiisip ko, hindi rin pala, buong araw namin nasa klase kami at tuwing break lang naman talaga kami nagkakasama dalawa, tuwing umaga din bago pumasok at kapag uwian na. madalas ko naiisip sana bumalik yung dati na may mga panahon na kaming dalawa lang kahit di kami naguusap at hihintay lang namin na gumabi na. parang antahimik lang ng lahat at naaalala ko yung pakiramdam na sobrang masaya ako na hindi na ko dapat magsalita dahil ayokong masira yung moment na yon.
kagabi nakatulog sya sakin at knwentuhan ko sya habang natutulog sya. sabi ko na naalala ba nya yung vicks na yun. naaalala ko pa yung gabi na yun na masama pakiramdam nya at nagpapahinga sya sa kama ko. tapos nung alam kong tulog na sya bumaba ako para bumili ng vicks, gamot, at ng soup para sa kanya at orange na din. masaya ako habang ginagawa ko yun noon, naaalala ko pa. pero naalala ko din na nalungkot ako noon dahil may sakit din ako noon dahil sa nordette at talagang hilong hilo ako. nalungkot ako noon at makasarili yun dahil ginusto ko din sana magpahinga at may magalaga sa akin. pero nung umakyat na ko ulit at pinakain sya at pinagpahinga, nawala na yung mga naiisip kong yun dahil kapag nakikita ko na masaya sya talagang nagiging okay na din ako. kagabi umiyak ako dahil sobrang sama ng pakiramdam ko hindi ko alam kung anong nangyari. siguro talagang masama lang ang panahon. nahihilo ako noon at parang nangyayari na naman yung dati na lumalabo ang mata ko minsan nagiging madilim ng konti. nakatulog din sya sa akin noon at naipit nya ang kamay ko na sobrang naging masakit talaga. hindi ko maialis ang kamay ko kahit pinipilit ko at sinasabi ko sheen ang kamay ko. pero hindi nya ako naririnig dahil tulog na sya. wala na akong magawa at talagang nanghihina na talaga ako kahit sa simpleng kilos lang na iyon kaya umiyak na lang ako at sana magising sya para maialis ko ang kamay ko. nagising sya at nagalit sakin at nasabi nya na nagiinarte lang ako at na wag akong umiyak. sobrang naging masakit sa akin iyon kahit pa ngayon kapag naaalala ko. ayokong makita nya o malaman na maysakit ako o na hindi ako okay hanggat maaari pero minsan talaga ay hindi ko na kontrolado at talagang nauubo ako o naiiyak kahit na yung pagiyak hanggat maaari itatago ko sa kanya. nasaktan ako kagabi pero pinipilit ko kagabi na kalimutan na lang iyong mga nasabi nya. inisip ko na hindi nya yun siguro gusto talagang sabihin pero siguro ay inaantok pa sya kaya nagkaganon. pero ngayon kapag naiisip ko, talagang hindi ko mapigilan na mainggit sa iba na kung simpleng nahihilo sila ay andyan yung mahal nila at aalagaan sila. dati ganon si sheen sa akin minsan, kung may sakit ako kahit papano ay inaalagaan nya ako. ayokong isipin yung mga panahong iniwan nya ako dahil alam kong hindi si sheen iyon. mabuti syang tao at kaibigan sakin. nalulungkot ako na nagbago na ang mga bagay na yon pero nagpapasalamat ako ng sobra sobra na kahit minsan naranasan ko naman yun sa kanya. hindi ko pinagsisisihan kung ano ang meron kami dati at kung ano na kami ngayon. lahat ng mga bagay na nawala sakin, kung uulitin ay iiwan ko ulit sila para kay sheen.
sinabi sakin ni krystal dati na huwag kong buuin ang mundo ko sa isang tao dahil kapag nawala na yung tao ay masisira na ang mundo ko. hanggang ngayon masasabi ko pa rin sa kanya na hindi ako nagsising binuo ko ang mundo ko kay sheen dahil naniniwala ako na pinapabuti pa nya at pinapaganda yung mga binubuo ko at kung may mga parte na masisira ay alam ko pa rin na andyan sya para magkasama naming ayusin ulit ang mga yon.


7:59 AM
`one